Nambugbog ng dyowa, dinampot sa NAIA

ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang inaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 na may standing warrant of arrest dahil sa pambubugbog sa kanyang kasintahan noong nakaraang taon, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Kinilala ang suspek na si Jessie Magaway, ng Pasay City na agad pinosasan nang bumaba sa Philippine Airlines flight PR-469 ilang minuto makaraang dumating sa NAIA dakong alas-11:30 kagabi mula sa Incheon, South Korea.

Napag-alaman na isang impormasyon ang ibinigay ng National Bureau of Investigation sa BI tungkol sa pagdating ng suspek.

Si Magaway ay nagtago sa South Korea nang mahigit sa isang taon para magtrabaho.

Nabatid na kinasuhan si Magaway noong Marso 12, 2011 sa Parañaque Regional Trial Court Branch 194 sa paglabag sa Republic Act 9262, ang batas ng anti-violence against women and children.

Nang hindi makasipot sa ilang hearing ay nag-utos ang korte para sa kanyang ikaaaresto.

Si Magaway ay agad na nailipat sa pangangalaga ng mga miyembro ng NBI, na naunang nakipag-coordinate sa BI officials sa main office.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply