Namula ang mukha sa lakas ng sampal!

NAMULA ang mukha ni Gwen Zamora sa malakas na sampal ni Glaiza de Castro sa eksena nilang dalawa sa Biritera. Nang nakausap namin ang aktres tungkol sa eksena na napanood namin mismo, nasabi niyang nadala siya sa confrontation scenes nila ni Glaiza.

Ani Gwen: “Naging unaware ako na sasampalin ako ni Glaiza, galit kasi siya at galit din ako sa eksena. Yun na at di ko na-ready ang mukha ko na dadaan na ang sampal ni Glaiza. Kaya sampal na malakas ang dumapo sa mukha ko.

“Pero, pagkatapos ng eksena ay pareho lang kaming nagtawanan ni Glaiza. Di rin niya akalain na di ako iilag. Kasi, bago gawin ang eksena ay may rehearsal kami. Dahil sa ganda ng execution ng scene, take one kami. Namula naman ang mukha ko. Sa kabilang banda, okay din dahil nagawa ko ang tamang reaksiyon ng isang nasasampal.”

Aabangan sa Biritera ang mga eskenang: Uulitin ni Eric na patay na ang kaniyang anak dahil nakita niya mismo ang death certificate nito. Babawiin na lang ni Mikmik ang kaniyang sinabi sa pag-aakalang mali ang pagkaintindi niya sa kwento ni Andrei sa kaniya noon. Pagkatapos ay magpapasya na silang puntahan si Remy.

Samantala, dahil sa pagiging natural actress ni Gwen Zamora, napili siya ng isang Indonesian filmmaker na maging bida sa The Witness. Mismong ang Indonesian filmmaker ang humanap sa GMA-7 ng artista na babagay sa bidang babae na half-Pinay at half-Caucacian.

Nagpadala ng mga fortfolio ang GMA Artist Center with matching corresponding samples ng film na nagawa ng mga ito. Sa kabutihang palad, si Gwen ang napili.

Isang buwan at kalahati na nag-shoot sa Jakarta si Gwen at pareho naman daw ang style ng shooting doon at sa Pilipinas. Mahirap lang dahil iba ang language at food. Pero nagtagumpayan ni Gwen ang shooting. Ipalalabas na sa Pilipinas ang The Witness sa March 21. Tapos, iikot din sa Indonesia at iba pang Asian countries.

000

PANALO sa nationwide ratings ang pilot episode ng pinakabagong afternoon drama series ng GMA-7 na Hiram na Puso (HNP) na pinagbibidahan nina Kris Bernal, Mark Herras, Polo Ravales, Bela Padilla, Ayen Laurel, Gardo Versoza at Gina Alajar.

Ayon sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) data ng Nielsen, mas mataas ng 5.7 household rating points ang HNP nang mag-pilot ito noong Lunes kaysa sa katapat nitong programa sa kabilang network na pinakamalapit na kalaban show. Nakakuha ang HNP ng 14.9 pts., habang ang kalabang soap ay nakakuha lamang ng 9.2 pts. Ang nationwide audience share naman ng HNP ay 40.6% habang ang katapat nito ay nakakuha lang ng 25.1%.

Mas malaki naman ang lamang sa ratings ng pilot episode ng Hiram na Puso sa Mega Manila na kilalang balwarte ng GMA Network. Nakakuha ito ng 17.5 household rating points at audience share na 46.3%, habang ang kalaban ay nakakuha lamang ng rating na 7.4 points at 19.7 % audience share. Ang pilot episode din ng HNP ang nagtala ng pinakamataas na rating sa afternoon block sa Mega Manila sa araw na iyon.

Mahalaga ang ratings performance ng mga show dahil ito ang karaniwang batayan ng mga advertiser sa paglalagay ng mga commercials nila sa isang programa.

Usually, the higher the ratings, the higher is the commercial loading. Ito rin ang nagsisilbing sukatan kung ilang tao ba ang nanonood sa isang programa kumpara sa katapat nitong show.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply