Nancy Castiglione ‘di pinaniniwalaan

PARANG pusang may sagpang na daga na biglang tumalilis si Nancy Castiglione sa gitna ng maraming press people na nag-aabang na ma-interview siya sa event ng Armscor. Hindi raw ito lumabas sa kanyang dressing room at umuwi kaagad pagkatapos nitong mag-host.

Marahil ay napagod na rin ito sa kapapaliwanag tungkol sa date at kissing issue sa kanila ni Hayden Kho. Feeling nito walang naniniwala sa kanyang mga sinasabi. Kaya sayang lang ang laway niya sa kae-explain.

Sabagay, paano nga namang paniniwalaan siya gayong may ilang witness ang lumabas at nagpatotoo na nangyari nga ang ganong insidente.

Mabuti ngang tumahimik na lamang siya ng mamatay na rin ang isyu. Baka ma-bad trip pa sa kanya si Dra. Vicki Belo at bawiin ang ilong na ginawa sa kanya. Hehehe!

Si Dra. Belo nga ba ang nag-noselift sa rating magandang nose ni Nancy?

***

Mister sunud-sunuran kay TV personality

NAGTATAKA ang mga kaibigan ng mister ng TV personality dahil sa biglang pagbabago ng ugali nito. Kung noon ay nagkikita-kita pa sila at nagkakaabutan ng ‘relevance’ ngayon ay hindi na ito mahagilap at pati ang mobile number nito ay hindi na rin makontak.

Ayon sa narinig naming sabi-sabi, ayaw ni TV personality na nakikipagmabutihan pa sa rating mga kakilala ang kanyang mister dahil sa takot na baka mahuthutan daw ito. Pero ang hindi nakikita ng una ay ang mapapel na manager na parang lintang laging sumisipsip sa kanila.

Kung bakit naman kasi nadikit pa ang TV personality na ‘to at ang kanyang mister sa manager na gahaman sa datung. Baka ang ending nito, mabulilyaso career nila dahil sa huli.

Anyway, sunud-sunuran naman daw ang mister sa misis niya kaya napapabayaan na rin nito hindi lamang ang kanyang dating mga kaibigan kundi pati ang kanyang nasasakupan. Nabaling ang atensyon nito sa lugar ni misis kesa sa mga kababayan niya. Lumipat na lang kaya siya ng tirahan? Hehehe!

***

Mutya aksaya sa pagkain

MAKAKASAMA ng Kapamilya child wonders na sina Mutya Orquia at Louise Abuel ang singer-actress na si Vina Morales ngayong Sabado (Marso 3) sa ‘Maya Aksaya’ episode ng “Wansapanataym.” Gagampanan ni Mutya ang karakter ni Maya, isang batang mahilig magsayang at magtapon ng pagkain kaya’t paparusahan siya ng isang duwendeng maglalayo ng lahat ng pagkaing hahawakan niya.

Alamin kung paano matututunan ni Maya na pahalagahan ang mga bagay na meron siya. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at direksyon ni Francis Pasion. Huwag palampasin ang “Wansapanataym” ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng “Kapamilya: Deal or No Deal” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

***

Bela pinag-usapan sa NY

MALIBAN sa pagkaka-interview kay Bela Padilla ng BBC News, naging headline story din pala ang alagang ito ni Ms. Claire dela Fuente sa New York Daily News kaugnay sa racism issue na nagsimula sa cover photo niya sa FHM Philippines.

Sa isang iglap ay naging parang Hollywood star ang Kapuso talent na pinag-usapan talaga sa buong mundo. Ganon katindi ang dating ng nasabing isyu.

Pero ang latest tsikang natanggap natin ay sobrang happy daw si Bela sa kinalabasan ng bago niyang pictorial sa FHM. Kitang-kita pa rin daw ang kaseksihan niya rito at puro kaputian niya ang makikita rito. Hahaha!

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply