Nanggahasa ng kapitbahay, kalaboso

SWAK sa kulungan ang 18-anyos na lalaki makaraang ipagharap ng kasong rape ng kanyang kapitbahay sa Quezon City kaninang umaga.

Kinilala ang dinakip na si Teodolfo Vernacel, 18, ng 296 Central Avenue, Sitio Mabilog, Culiat, Quezon City.

Si Vernacel ay dinakip kaninang umaga ng barangay tanod at pulisya matapos ireklamo ng kanyang kapitbahay na itinago sa pangalang Michelle.

Ayon kay PO3 Rey Boral ng Quezon City Police District station 3-Talipapa, naganap ang panghahalay dakong 3:30 ng madaling araw kamakalawa sa loob ng bahay ng biktima sa Sitio Mabilog, Culiat.

Sinabi sa ulat na kasalukuyang natutulog ang biktima sa loob ng kanilang bahay nang pasukin ng lasing na suspek at puwersahan siyang hinalay ng suspek.

Agad nagsuplong ang biktima sa kanyang mga magulang na agad namang ipinagharap ng reklamo sa awtoridad kaya dinakip ang suspek.

Nakapiit na ang suspek sa naturang himpilan ng pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply