Nanghimas sa 5 bagets sa GenSan kinasuhan na

KINASUHAN na ng acts of lasciviousness ang isang lalaki matapos manghimas ng pribadong parte ng katawan ng limang estudyanteng babae sa General Santos.

Ayon sa impormasyon, ang suspek ay kinilalang si Winifred Papasin, 23, ng Barangay Lagao, GenSan.

Ayon sa mga estudyante, mula sila sa bahay ng kanilang kaklase sa Hicban subdivision, Barangay Lagao matapos magpraktis ng sayaw at pauwi na nang makasalubong ang lasing na lasing na suspek.

Laking gulat na lamang umano ng mga estudyante nang bigla na lang silang pinaghihipo ng suspek sa pribadong parte ng katawan.

Nang manlaban ang isa ay sinampal siya ng suspek bago hinila sa damuhan at saka pinaghihipuan din.

Nakatakbo ang isang biktima at nakahingi ng tulong sa bahay ng kaklase kaya nahuli ang suspek at ikinulong sa selda ng Bula Police Station.

Pinabulaanan naman ng suspek ang alegasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply