Nangulila sa misis at anak, mister nagbigti

MINABUTING magbigti na lamang ng isang mister makaraang labis na makaramdam ng lungkot sa nakatakdang pag-a-abroad ng kanyang misis at pagpapauwi sa kanilang mga anak sa probinsiya sa Caloocan City, Lunes ng umaga.

Patay na nang makita si Rodel Elnar, 43, ng Lirio St., Tala, nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 11:45 ng umaga nang madatnan ng asawa ng biktima na si Francia na nakabigti na gamit ang nylon cord ang kanyang mister na si Rodel sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid na labis na nalungkot ang biktima mula nang ihatid kahapon ang mga anak papuntang probinsiya na dinagdagan pa sa nakatakdang pag-alis ni Francia upang magtrabaho sa Taiwan sa Abril 5, 2012.

Kaugnay nito, inaalam pa rin ng mga pulis kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply