Nanloko kay Boom Boom hahagupitin ng WBC

POSIBLENG hagupitin ng World Boxing Council si boxing agent Hugo Correa na nanloko sa promoter ni Rey “Boom Boom” Bautista.

Pinagpapaliwanag na ng WBC si Correa kung bakit niloko nito ang ALA Promotions nang padalhan ng maling kalaban si Bautista.

Ayon kay ALA Promotions president Michael Aldeguer, dapat ang ibinigay ni Correa ay si Mexican Genaro “Poblanito” Garcia para sa kanilang alaga.

Ngunit nagulat na lamang sila nang pagsampa ng ring ay isang Genaro Gutierrez Garcia ang lumutang.

Dahil sa pangyayari, nangako naman ang WBC na hihimayin nila ang kaso at papanagutin ang responsable dahil bubusisiin nila ang pinakaugat ng pangyayari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply