Napipilitan lang na sagutin

Hello Good eve po, nabasa ko po ang inyong payong pag-ibig kaya nakumbinse po akong humingi ng advise sa inyo. Meron po akong naging karelasyon ngunit meron itong gf. Wala naman akong gusto sa kanya pero sinubukan ko lang siya. Dahil sinabi niya sa akin na kung papipilin ko daw siya, ako daw ang pipiliin niya, dahil sa akin daw siya masaya. Ano po ba ang dapat kong gawin? Dapat ko bang ipagpatuloy ang relasyon namin, o dapat ko bang putulin alang-alang sa babaeng nagmamahal sa kanya at nauna sa akin?
Kriz ng Elnido
KAREñosa: Kriz, unang-una sinabi mong wala ka namang gusto sa kanya at sinusubukan mo lang siya. Pangalawa, gawin niya muna ‘yung sinasabi niya sa’yo na ikaw ang pipiliin niya. Hindi ‘yung bibitawan niya lang ‘yung isa kapag nakasiguro na siya sa’yo. Ano yun, reserba just in case hindi mo siya piliin? Kung mahal ka niya, dapat nung na-kilala ka niya, iniwan na niya ‘yung gf niya. Panghuli, kung napipilitan ka lang naman dahil sa ikaw ay mahal niya, bakit mo papatulan kung wala ka namang nararamda-man? Itigil mo na yan, hindi porket mahal ka niya, pipilitin mo ang sarili mo na mahalin mo rin siya. Hindi to laro na pwede pwede na okay okay na total mahal niya ako. Even-tually, sasaktan mo rin iyong tao.
***
Dear Miss Karen, isa po ako sa mga taga-subaybay ng mga sulat ninyo at ang galing ninyong magbigay ng mga advises. Sana po bigyan niyo ako ng advise para sa problema ko. Tawagin ninyo na lang akong Ms. Libra #89. ‘Yung problema ko po ay lagi kong pinagdududahan ang bf ko na baka may iba na siya kasi parang hindi na siya sweet sa text simula ng magwork siya sa malayo. Mahigit isang taon na ang relasyon namin at mahal na mahal ko siya. Ayoko mawala siya sa akin. Ano po ba ang dapat kong gawin. Thanks.
KAREñosa: Salamat sa pagsubaybay mo, at ikinagagalak kong may nakaka-appreciate ng mga payo ko. Ms. Libra, natural lang sa babae na maghinala, lalo na’t ang kilos ng kinakasama ay hindi akma sa dapat. Lahat naman tayo pinangangalagaan ang relasyon lalo na’t mahal mo ang bf/gf mo. Kung ayaw mo siyang mawala sayo, ayusin niyo yung maliit na problema niyo ngayon pa lang. The best diyan ang kausapin siya para malaman mo yung side niya. Baka kasi sa sobrang busy niya sa trabaho, ang akala mo na may iba na siyang kinabu-busy-han. Minsan kasi tayong mga babae, 3rd party agad ang unang naiiisip sa tuwing mapupuna nating nagbago na bf natin, pero ang mga lalake, hindi naman lahat pare-pareho. Kung ina-atake ka ng pagdududa, isipin mo na lang yung mga magagandang nangyari sa inyong dalawa para matakpan yung masamang iniisip mo sa kanya. Makakatulong ‘yon.
oOo
Para sa problemang pag-ibig, i-text ang BT_Name_Problemang Pagibig at isend sa 09183386058
loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply