Natabunan ng sako-sakong mais, 3 patay, 4 sugatan

TATLO katao ang namatay kabilang ang dalawang bata habang, apat iba pa ang malubhang nasugatan matapos matabunan ng sako-sakong mais sa Nueva Vizcaya, sa ulat ng kapulisan.

Base sa police  report , nangyari ang sakuna nang tumaob ang may 3 toneladang mais na lulan ng isang trailer truck sa national road sa Barangay Nagsabaran, Diadi, Nueva Vizcaya.

Sa impormasyong ibinahagi ni P/Sr. Insp. Remecio Culinao, chief of police ng PNP- Diadi, kinilala ang mga namatay na sina Tricia Culagon, Princess Carl De Guzman, kapwa anim na taong gulang at Dominador Marso, 60.

Sa imbestigasyon, patungo ng Maynila ang trailer truck na minamaneho ni Danilo Manzano, 34, ng Barangay Del Pilar, Cabatuan, Isabela at mabilis umano ang pagpapatakbo kaya hindi agad nakontrol ang manibela nang papaliko sa isang kurbadang daan.

Dahil sa bilis ng truck, sumampa ito sa shoulder ng daan at nahagip ang isang motorsiklo na kinalululanan ng namatay na si Marso.

Samantala, dahil sa pagtagilid ng trailer ay gumuho ang salansan ng bulto-bultong mais at dumagan sa dalawang bata hanggang sa tuluyang tumumba ang sasakyan.

Maliban sa tatlong biktima, nadaganan din ng sasakyan ang isa pang nakaparadang tricycle at isang bahay.

Kabilang naman sa sugatan ay ang driver ng trailer truck at pahinante nito habang nasugatan naman ang dalawang tao na nasa loob ng nabanggang bahay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply