NDRRMC nakaalerto sa banta ng ‘wet summer’

INILAGAY ngayon ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa red alert status ang kanilang puwersa kasama ang may 31 attached government agencies sa pangunguna ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippine laban sa banta ng wet summer.

Ayon kay NDRRMC Executive Director B/Gen. Benito Ramos, simula bukas ng umaga ay naka-red alert na ang kanilang puwersa kaugnay na rin sa kanilang Operation Semana Santa.

Nabatid na partikular na tinututukan ng gobyerno ang inihayag ng PAGASA na makararanas ngayon ang sambayanan ng wet summer na dulot ng pababago-bagong pagpapalit ng panahon kung saan misan matindi ang sikat ng araw at biglang uulan.

Layunin ng nasabing hakbang ay matugunan ang mga pangangailanga ng mga kababayan lalo na yung pauwi sa mga probinsya.

Binabantayan din hindi lamang ang land transportation kundi ang mga pandagat na sasakyan.

Kabilang sa mga inalertong ahensiya ang PNP na magiging lead agency katuwang ang AFP, ang DOTC, DOH pati ang reservist ng armed forces kung saan ay makikita ang kanilang mga presensiya sa NLEX at SLEX.

Magsisilbing focal point naman ang tanggapan ng NDRRMC na tatangap ng mga report mula Luzon, visayas at Mindanao.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply