NDRRMC, PNP naka-red alert ngayong Semana Santa

NAKA-RED alert na ngayon ang mga awtoridad upang seguruhin ang kaligtasan at  seguridad ng publiko na papauwi ng mga lalawigan para sa pag-obserba ng Semana Santa.

Naghahanda na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council kabilang ang Department of Transportation and Communications at ang Philippine National Police maging ang Armed Forces of the Philippines para sa Operation Semana Santa, na tatagal hanggang Abril 9 (Lunes).

Sa idinaos na coordinating conference ng mga ahensyang kabilang sa Operation Semana Santa, hindi lamang mga kalsada ang babantayan ng mga awtoridad  na papalabas ng Metro Manila kundi maging ang mga daungan sa Bicol, Visayas at Mindanao.

Dodoblehin din ng PNP ang kanilng pagbabantay sa mga pier at mahahalagang instalasyon.

Babantayan din ang mga simbahan para sa seguridad ng mga deboto at mga terminal ng bus na dadagsain ng mga pasahero.

Naka-alerto na rin ang Philippine Coast Guard sa mga pangunahing daungan at naglatag na ng mga outpost at inspection teams upang siguruhin na walang maglalayag na pampasaherong barko na “overloaded” na nagiging sanhi ng mga hindi inaasahang trahedya sa dagat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply