Necrological rites ng Kamara para kay Iggy sa Lunes na

MAGSASAGAWA ang Kamara de Representantes ng necrological rites para sa yumaong si Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo sa Lunes (Marso 5) sa ganap na alas-11:00 ng umaga.

Bago ito, isang misa ang isasagawa sa kanya dakong alas-10:00 ng umaga.

Kabilang sa mag-aalay ng kanilang hulin talumpati para sa yumaong mambabatas ay sina Speaker Feliciano Belmonte, Minority Leader Danilo Suarez, Davao del Norte Rep. Antonio Lagdameo, Negros Occidental Rep. Jeffrey Ferrer and Zambales Rep. Mitos Magsaysay.

Si Rep. Iggy ay pumanaw dahil sa sakit sa atay sa London kung saan siya nagpapagamot noong Enero.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply