Negosyanteng Hapon, pinatay o nagpakamatay?

INIIMBESTIGAHAN pa ng Davao City Police Office kung pinatay o nagpakamatay ang isang negosyanteng Hapon na natagpuang wala nang buhay sa nabanggit na lalawigan.

Kinilala ang biktima na si Kumbayasi Shuki, 48, isang taxi operator.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakita ang bangkay ng biktima sa isang bakanteng lugar sa Cabantian, Davao na may tama ng bala ng baril sa sentido.

Nabatid sa mga residente sa lugar na alas-7:00 ng gabi nang makarinig sila ng putok ng baril at kinaumagahan nga ay natagpuan ang bangkay ng Hapon, kung saan nasa paanan pa nito ang .45 kalibre ng baril.

Ayon sa pamilya ng biktima, wala silang nakikitang dahilan para magpakamatay si Shuku dahil wala naman itong problema sa negosyo at maging sa pagsasama nila ng kanyang Pinay na misis.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply