Negros Occidental niyanig ng dalawang lindol

DALAWANG magkasunod na pagyanig ang muling naramdaman sa Negros Occidental kaninang umaga.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), unang naitala ang pagyanig pasado alas 5:16 ng madaling-araw na may lakas na magnitude 3.1, naramdaman sa layong 12 kilometro sa silangang bahagi ng Kabankalan City.

Ang nasabing lindol ay natunton sa lalim na walong kilometro kung saan naramdaman ang intensity 1 sa Sipalay City.

Samantala, may lakas naman na magnitude 3.0 ang pangalawang pagyanig na tumama sa bayan ng Guihulngan, kaninang alas-7:25 ng umaga at may lalim na isang kilometro.

Inihayag ng Phivolcs na parehong tectonic in origin ang mga pagyanig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply