Nene dinonselya kapalit ng gelatin

ISANG 11-anyos na batang babae ang hinalay ng kanyang kapitbahay matapos suhulan ng gelatin sa Caloocan City, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Kulong naman ang suspek na si Jofrey Jamandre, 46 ng Malolos Avenue, Bagong Barrio ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 11, dakong alas-9:00 ng gabi nitong Martes (Marso 20) inaya siya ng kaibigan na dalagita na pumasok sa bahay ni Jamandre.

Sa loob ng kuwarto ng suspek ay binigyan niya ng gelatin ang magkaibigan na kinain naman ng mga ito.

Hindi nagtagal ay umalis na ang kaibigan ng nene at pagkatapos ay agad na sinara ng suspek ang pinto.

Tinakot ng suspek ang biktima at sinabing may masamang mangyayari sa kanya kapag pumalag kaya tuluyang nahalay.

Nang makaraos ang suspek ay hinayaan niya ang biktima, subalit bago pinaalis ay muling binantaan ang suspek na huwag magsumbong.

Habang papalabas ng pinto, pahabol na sinabi pa ng suspek sa biktima na bibigyan niya ito ng P200 bukas.

Kagabi (marso 22) ay nagkaroon ng lakas ng loob na magsumbong ang biktima sa magulang na naging dahilan upang arestuhin ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply