Netizens muling napa-wow ni Julie Anne San Jose

PAGKATAPOS na mapa-wow ni Julie Anne San Jose ang netizens sa kanyang version noon ng sikat na sikat na kantang Superbass ni Nicki Minaj, muli na namang humanga ang mga ito sa ganda ng boses ng Kapuso singer.

Noong nakaraang Sunday (March 18) kasi sa Party Pilipinas, kinanta ni Julie Anne ang winning piece ng Kapamilya singer na si Angeline Quinto, ang “Patuloy ang Pangarap.”

Malupit ang pagkakanta ni Julie Anne ng Patuloy ang Pangarap kaya mabilis pinag-usapan sa iba’t ibang social networking site. Naiup-load na rin ito at pinagpiyestahan ng netizens.

Katunayan, nag-trending topic sa Twitter at Yahoo! ang naturang performance ni Julie Anne.

Pinag-usapan din sa Twitter ang duet (nakalimutan po ang title) nila ng ka-loveteam na si Elmo Magalona noong Sunday sa Party Pilipinas. Ilang minuto lang matapos ang naturang performance ay pinag-usapan na ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply