News photog nagpasaklolo sa panghaharas ng 3 Qatari

DUMULOG sa National Press Club (NPC) kanina ang isang news photographer ng Manila Standard Today para ireklamo ng harassment ang tatlong Qatari national na sinasabing close-in security escorts ng isang miyembro ng Qatar royal family, at isang Filipino na kawani ng Qatar embassy.

Inireklamo ng 60-taong-gulang na si Julie Fabroa ang pang-aagaw sa kanyang camera habang ang huli ay nagkokober sa mga seaman na dumating noong Biyernes ng hapon.

Sa kanyang salaysay, bigla na lang hinablot ng isa sa Qatari escorts ang kanyang camera, na ikinabigla ng photographer.

Ang royal family member ay nakilalang si Shiek Abdullah bin Faizal Al-Thani at kanyang security escorts ay dumating din sa araw na nabanggit.

Base sa source, ang sheikh at kanyang escorts ay advance team para sa gagawing pagbisita ng bansa ng emir ng Qatar sa susunod na buwan.

Ayon kay Fabroa, wala siyang kamalay-malay na maha-harass siya ng mga dayuhan ng araw na iyon.

“Nasa gilid ako ng façade at kinukuhanan ko ang seafarers na dumating mula sa Egypt.  Nagulat na lang ako nang biglang may humablot sa aking camera habang ako ay kumukuha ng litrato sa mga seaman,” anang Fabroa.

Ang buong akala ng security escorts ay sinadya ni Fabroa na pitikan ang kanilang amo kaya nag-react at nilapitan nila ang photographer.

Pahayag pa ni Fabroa, hindi niya kilala ang taong sinasabi ng tatlong dayuhan at wala siyang interes na makuhanan ito.

Nabatid na nakiusap si Fabroa na ibalik ng mga dayuhan ang kanyang camera pero nagmatigas ang mga ito.  Nang pilit na inaagaw ni Fabroa ang kanyang camera para makuha ay bigla na lamang siyang itinulak ng isang staff ng Qatar embassy.

Nang mapansin ang ginawa ng tatlong Qatari security escorts kay Fabroa, naglapitan ang iba pang miyembro ng media para tanungin kung bakit nila kinuha ang camera ng photog.

Dito na umeksena ang sinasabing staff ng Qatar embassy na isang Filipino na nakilalang si Josefino Palanca. Pero taliwas sa inaasahan ng mga miyembro ng media sa airport na mangunguna ito sa pagsasaayos ng gusot, dahil si Palanca pa ang tumulak kay Fabroa na umepal na buksan ang camera ni Fabroa upang i-delete ang mga litratong kuha nito.

Kitang-kita naman sa video footage ang ginawang pangha-harass ng mga security escorts at ni Palanca sa photographer.

At dahil na rin sa suporta at pangungulit ng mga kasamahang media, nabawi ni Fabroa ang kanyang camera saka tumuloy sa Airport Police Department intelligence and investigation division para magreklamo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply