Nilindol na mall sa Surigao isinara para inspeksyunin

SINUSPINDE muna ng awtoridad ang operasyon ng isang shopping mall sa Dinagat, Surigao City upang suriin ang mga bitak na tinamo nito kasunod ng 5.9-magnitude na lindol na tumama sa naturang probinsya kahapon (Biyernes, Marso 16)

“Temporarily suspended muna ang operations at tsini-check muna yung structural integrity ng building kasama na ‘yong provincial gymnasium may kaunting crack kaya itse-check na muna,” pahayag ni Executive Director Benito Ramos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Sinabi ni Ramos na may nakitang mga bitak ang ilang bahagi ng pader ng Gaisano Mall sa Surigao City na nagkakasa pa lamang ng grand opening kahapon nang ugain ng lindol.

Nilinaw din ni Ramos na isang standard operating procedure (SOP) na ipasara ang isang gusali lalo pa’t kung may mga bitak ang mga pader nito.

Samantala, may 54 katao ang nasaktan at nasugatan sa naganap lindol kahapon. Sa nasabing bilang, 35 ang isinugod sa ospital para sa kaukulang gamutan habang ang iba naman ay nagtamo lamang ng minor injuries.

“Sa oras na ito tatlo na lang ang naiwan doon sa ospital for minor injuries,” dadag pa ni Ramos.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang epicenter ng naturang lindol ay naitala sa kanlurang bahagi ng Dinagat.

Intensity VI naman ang naramdaman sa Surigao City; Intensity V sa General Luna, Surigao del Norte; Basilisa, Dinagat; at San Ricardo sa Southern Leyte; habang intensity IV naman sa Carrascal, Surigao del Sur.

“Wala naman tayong major damages dyan except itong Surigao City lang,” pahayag pa ni Ramos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply