Niloloko ang bestfriend

DEAR Miss Karen, 5 years na kami ng ka live-in partner ko. Masaya ako sa kanya, mahal na mahal niya ako at mahal na mahal ko rin naman siya.’Yun nga lang parang naguguluhan ako ngayon, nag-paparamdam kasi ang ex bf ko na sobrang sobrang mahal ko. May asawa na siya at anak. Nagmessage siya sa akin sa face-book ko na gusto niyang magkita kami at magkausap about past. Gusto kong makipagkita pero natatakot ako. Hindi ko alam ang gagawin ko sana matulungan n’yo ako. Salamat po. Capricorn Girl ng Olongapo.

KAREñOSA: Matakot ka talaga sa iniisip mo! Alam mo alam kung anong kahihinatnan ng pagkikita mo kaya ngayon pa lang habang hindi pa man kayo nagkikita, iwasan mo na siya. May asawa na siya at anak. Huwag ikaw ang maging dahilan para masira ang pamilya niya. Besides, mahal na mahal mo naman pala ang partner mo ngayon, makuntento ka na sa kanya. Huwag kang magpadala sa message niya, problema kasi, karamihan sa mga babae, isang paramdam lang ng ex, iniisip na agad na gusto na nilang makipagbalikan. Believe me, nadadala ka lang ng iniisip mo. At once na nagpadala ka, magigising ka na lang isang araw sa problemang mas pinili mong pasukin. At magsisisi ka lang dahil mas pi-nili mong magmahal ng mali kaysa ipagpatuloy n’yo ang maganda n’yong pagsasama ng partner mo. Makuntento ka girl ‘yun lang masasabi ko.

***

Hello po, Im Mel, meron po akong bestfriend ang name niya ay Joy, meron po siyang boyfriend ngayon, at feeling ko niloloko niya lang si Joy. Minsan kasi nakita ko siya sa mall at nung nakita niya ako iniwasan niya ako na para siyang may tinatago. Kung wala naman siyang tinatago, normal lang na mag hello siya dahil nagkita kami sa mall e hindi ganon ang reaksiyon niya. Sabihin ko po kaya ‘yun kay Joy?

KAREñOSA: Ang bait mo namang kaibigan Mel, ikaw pa mismo ang nagkaproblema at nagtanong talaga para sa kaibigan mo. Tama naman na ipaalam mo sa kanya ‘yung nangyari, walang masama dun basta sa paraang hindi siya agad mag-iisip ng masama sa Bf niya, remember hindi rin sigurado sa kanya ang nangyari o dahilan kung bakit ganoon ang reaksiyon ng Bf ng kaibigan mo.

oOo

Para sa problemang pag-ibig, i-text ang BT_Name_Problemang Pagibig at isend sa 09183386058

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply