Niloloko lang ang best friend

Hello po, I’m Mel, meron po akong bestfriend ang name niya ay Joy, meron po siyang boyfriend ngayon, at feeling ko niloloko niya lang si Joy. Minsan kasi nakita ko siya sa mall at nung nakita niya ako iniwasan niya ako na para siyang may tinatago. Kung wala naman siyang tina-tago, normal lang na mag hello siya dahil nagkita kami sa mall e hindi ganon reaksiyon niya. Sabihin ko po kaya yun kay Joy?

KAREñosa: Ang bait mo namang kaibigan Mel, ikaw pa mismo ang namromroblema at nagtanong talaga para sa kaibigan mo. Tama naman na ipaalam mo sa kanya yung nangyari, walang masama don basta sa paraang hindi siya agad mag-iisip ng masama sa Bf niya, remember hindi ka rin naman sa nangyari o dahilan kung bakit ganon ang reaksiyon ng Bf ng kaibigan mo.

***

2 Years na kami nangyari samin ilang times na pero hindi ko siya nabun-tis. At saka try ako ibang girl gumamit, 1 take lang buo agad. Sino pipiliin ko dahil pareho ko sila love dalawa? thanks po! From: Totoy bibo.

KAREñosa: Ayos ka rin no! Parang gamot lang ang babae sayo, susubukan kung anong mas epektibo. Bakit di ka na lang nagpa-check up?  Sabi mo nag-try ka lang dun sa isa, tapos biglang love mo na? Di ka man lang naawa sa gf mo, nagtry ka pa talaga ng iba. Kung lalaki ka talaga alam mo kung sino ang pipiliin mo! Na-kabuntis ka panagutan mo at harapin mo ang problemang ginawa mo.

***

Hi po, hingi lang po ako ng advise. Naguguluhan po kasi ako. Nalaman po kasi ng crush ko na crush ko siya. Tapos po nililigawan niya na po ako.  Hindi ko po siya sinagot kasi po baka lokohin niya lang ako. Takot na po kasi akong masaktan kaya po hindi ko siya sinagot. Tanong ko lang po, tama po ba yung ginawa ko?
094661826++

KAREñosa: Kung sincere naman siya sa panliligaw niya sayo WHY turn him down? Ikaw lang naman ang makakaalam kung talagang sinsero ang isang tao sa nararamdaman niya sayo di ba? Alam mo kung hindi ka handang masaktan, ibig sabihin lang niyan hindi ka pa handang magmahal. Wala namang masama kung subukan mo, yun nga lang maging handa ka. Hindi lahat ng lalaki pare-pareho, at huwag mo siyang igaya sa past experience mo kaya ka na-trauma.

oOo

Para sa problemang pag-ibig, i-text ang BT_Name_Problemang Pagibig at isend sa 09183386058

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply