NMIS sa publiko: Maging alerto sa murang processed food

NAGBABALA ngayon ang National Meat Inspection Service (NMIS) kaugnay sa mga ibinebentang processed food na mabibili sa napaka-murang halaga.

Ang babala ay makaraang makasamsam ang mga tauhan ng Pasay City Veterinary Office ng may 600 kilo ng “botchang” karne ng kalabaw (carabeef) sa Pasay City Public Market.

Ayon kay NIMS Director Jane Bacayo, dapat magtaka ang mga mamimili kung napakamura ng itinitindang karne kumpara sa ibang mga tindero’t tindera.

Matatandaang ibinebenta lamang sa P80.00 ang kada kilo ng botchang carabeef.

Sinabi pa ni Bacayo na posibleng galing sa mga probinsya ang may 600 kilo ng botchang karne ng kalabaw na nakumpiska ng kanyang mga tauhan sa naturang lungsod.

Malaking suplay ng mga karne ng kalabaw ay nanggagaling sa mga probinsya na dinadala sa Metro Manila dahil sa malaking demand dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply