No day off policy ipinatupad ng MMDA

MAHIGPIT na ipinatutupad ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority ang “no absent, no day off policy” para sa mga traffic enforcer na nakatalaga sa pangungahing lansangan ngayong Semana Santa.

Ayon kay MMDA chairman Atty. Francis Tolentino, kasabay ito ng pag-a-activate ng MMDA Oplan Metro Alalay Semana Santa 2012 para tiyakin ang kaligtasan sa biyahe sa lansangan ng mga motorista.

Tututukan ng MMDA enforcers ang tukoy na convergence point ng mga biyahero tulad ng mga terminal ng bus, paliparan at mga daungan.

Magiging aktibo ang polisiyang ito sa araw ng Miyerkules, Huwebes Santo, Linggo ng pagkabuhay at sa araw ng Lunes (Abril 9).

Kinakailangan na maging visible ang mga ito sa pangunahing lansangan lalo na sa kilalang simbahan at lugar na dinarayo ng mga mananampalataya.

Bukas naman ang MMDA sa Facebook at Twitter at maaari ring magsumbong at humingi ng assistance sa MMDA sa kanilang Hot Line number na 136, ang mga motorista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply