No helmet, no travel, frozen meat at bastos na Azkals

BIGYAN naman po natin ng espasyo ang ating mga mambabasa para maihayag nila ang kanilang mga damdamin, hinaing, kaalaman, sumbong at iba pa.

Heto po sila.

NANGHUHULI NG WALANG HELMET

‘Yung mga nanghuhuli sa NO HELMET, NO TRAVEL & NO SMOKING dito sa Solano, Nueva Vizcaya ay number 1 na hindi sumusunod sa mga batas. Naku, pakikalampag po ang governor dito. +63916182….

P40K SINGIL NG LTO-FIXER

Good pm po, Sir Benny. Ask ko lang po kung kailangan po talagang magbayad nang P40k sa tagalakad ng papel sa LTO.  Kasi po, yung daddy ko ay pinagbabayad. Thanks po. +63947801….

24-HRS NA ALAK

Good pm, Remate. Problema po rito sa amin sa Krus na Ligas, UP Diliman, Quezon City ang isang tindahan na nagbebenta ng  alak nang magdamagan. Kaya ang mga manginginom dito ay halos magdamagan din. Ewan ko po kung may permit ito na magbenta nang magdamag. +63939505….

7 ORAS NA PILA SA NBI

Good pm po, Sir Benny. Nabasa ko yung column niyo about DFA, SSS, LTO etc. Sana mai-publish niyo rin ang walang pagbabagong sistema sa NBI. Nakabubuwisit na ang pagkuha ng NBI clearance. 7 hours ang pila? Thanks po. +63929742….

KOTONG FOREVER

‘Yung Caloocan Patrol Car SHV 135 ay na-Tulfo na pero patuloy pa rin po ang pangongotong doon sa Letre pag madaling araw.  Sana po, matigil na yung pangongotong nila. +63918513….

FROZEN MEAT SA KALSADA

Sir Benny, pakipaalam po sa kinauukulan dito po sa amin sa Montalban Market. Ang daming nagtitinda ng frozen meat.  Nakalatag lang po sa lamesa. Nasa tabi pa ng kalsada. Mr. Carinioso. +63910308….

AZKALS BASTOS; DISIPLINAHIN

Dapat bigyan ng mga Opisyal ng Football Federation ng kaukulang disiplina ang mga player ng AZKALS.

Ilang beses na silang na-link sa kabastusan, SEX HARASSMENT O KAYA’Y RAPE CASE.

Masyado nilang binebeybi eh wala naman silang naiuu-wing karangalan sa bansa.

‘Di tulad ng Phil. Dragon Boat na nagpakita ng galing ng Pinoy sa buong Mundo.

‘Yang mga AZKALS na yan, wala puro papogi sila.  Wala naman silang ibinubuga. MYRNA REYNOSO, Caloocan City. +63920823….

CORONA NAKARMA

Sobrang nagpayaman sa tungkulin si Corona, kaya nakakarma naman siya ngayon.

Doon lang sa suhol sa Vizconde massacre at kaso ng PALEA, kahit mawala na siya bilang punong mahistrado, habambuhay nang kakain ang buo niyang pamilya. Masama lang ang epekto sa mamamayan. Wala na kaming tiwala sa hustisya na kanilang pinamumunuan.

Lalong nakatatakot ang pagsasanib ng buong puwersa ng mga hukom sa buong bansa.

Parang darating ang panahon na kailangang magpalakihan ng lagay sa mga hukom ang mga may kaso para sa ikapapanalo ng isang kaso.  Fredy Gomez ng Bulacan, Bulacan. +63939227….

P5 TERMINAL FEE NI BISTEK

Tulungan naman po n’yo kami, Sir.

Grabe na po ang ginagawa ni Mayor Bistek.

Para magkapera lang eh pati kaming mga jeepney driver hinihingan ng P5 araw-araw para raw sa pagteterminal namin.

Eh dati naman kaming may terminal.

Ang taga-kotong po niya ay mga taga-DPOS. Sobra na.

Tulungan po n’yo kami na ipa-OMBUDSMAN si Mayor Bistek. Mag-imbestiga po kayo sa mga terminal at malalaman niyo totoo ang. Salamat po. +63929435….

RESBAK SA TEXTER

Cell phone number 09053024767. Si MS. ELNORA BODINO po pala ang may ari ng CP no. na yan. Siya po ang panay text sa akin at sinasabi niya po na for investigation ang no. ko.

Sinisiwalat ko lang naman po ang maling sistema na ginagawa nila sa departamento nila na hindi alam ni Ret. Col. Caloy Baltazar na DPS Head.

Nadadamay tuloy po siya sa kasalaulaan ng mga tao niya. Abusado sa posisyon po. +63908265….

BATAS SA MGA BALIW

Dapat may programa at  batas para sa pagdampot sa  lahat ng taong baliw na pagala-gala, mapa-Manila man o probinsya. Pangit tingnan na kahit saang sulok ng Pilipinas ay maraming baliw. Hindi gaya sa ibang bansa na inilalagay sila sa mental hospital. +63912774….

MALI SA KONSTITUSYON

Magandang hapon sa inyo. Magtatanong lang po ako tungkol sa ating konstitusyon. May nakita kasi akong mali sa tatlong sangay ng pamahalaan (sa aking opinyon) ang ehekutibo, lehislatura at hudikatura. Bakit magkasama ang lehislatura at ehekutibo tuwing eleksyon? Bakit ang ehekutibo ang naglalagay ng mahistrado? ‘Di ba magkahiwalay ang mga ito?  +63947943….

PAGING DPWH

Attention DPWH. Tanong ko po: kailan matatapos ang paggawa ng daan sa Pagbilao at Atimonan, Quezon?

Taon na ang binibilang di pa rin natatapos. Isa lang ang contractor magmula sa Pagbilao hanggang Atimonan. Sira-sira ang daan.

Magsalubong kayo ng paggawa para madali. May-ari ang kumikita. Sa kita ng taga-signal ng trapik, magkano ang sa contractor? Aksyon  lang po!
+63919964….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply