Noise barrage kontra oil price hike bukas

NAKATAKDANG magsagawa bukas ng noise barrage ang ilang grupo kontra sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Nabatid na pangungunahan ng Coalition Against Oil Price Increase ang noise barrage na isasagawa sa pagitan ng alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi bukas sa mga lugar ng EDSA sa kanto ng West Avenue, Quezon Avenue, Cubao at Philcoa, Quezon City maging sa Monumento sa Caloocan City at Magsaysay Boulevard sa Maynila.

Kaugnay nito, nananawagan din ang grupo sa mga motorista at commuters na makilahok sa kanilang pag-iingay bilang protesta sa umano’y kawalang aksyon ng gobyerno sa walang humpay na oil price increase.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply