Noodle case vs ex-DepEd chief dinismis na

DINISMIS na ngayon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang mga kasong administratibo at kriminal laban kay dating Department of Education (DepEd) Secretary Jesli Lapus at iba pang DepEd officials kaugnay sa umano’y maanomalyang bidding ng instant noodles.

Pinawalang sala rin si Jeverps Manufacturing Corporation President Alex Billan nasabing umano’y maanomalyang bidding instant noodles na may sariwang itlog noong 2007 at noodles na may itlog at malunggay noong 2009, na sinasabing ikinalugi ng gobyerno ng milyun-milyong piso dahil sa overpricing.

Ibinasura ni Morales ang reklamo laban kay Lapus, Assistant Secretary for Special Concern Thelma Santos, Bid Awards Committee (BAC) Chairman Teodosio Sangil, BAC Vice Chairman Macur Marohombsar at BAC Members Demetria Manuel at Nanette Mamoransing dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Nag-ugat ang kaso sa magkahiwalay na reklamo nina Prudencio Quido, Jr. at Myrna Gonzales.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply