North Korea nagpakawala ng 2 short-range missiles

SA HARAP ng pinaghahandaang “long-range rocket launch” nagpalipad na muna ngayon ang North Korea ng dalawang short-range missiles bilang bahagi ng kanilang ikinakasang test-fire.

Sa isang ulat, kaninang umaga pinalipad ng North Korea ang kanilang dalawang KN-01 ground-to-ship missiles mula sa kanilang missile base sa Nampo, isang marine gateway.

Ang nasabing missiles ay mayroon umanong range na 120 kilometers.

Pero inihayag din sa ulat na wala umanong kaugnayan ang rocket lunch sa pinaghahandaang rocket-powered satellite launch ng North Korea sa Abril.

Una rito, nanawagan ang international nuclear agency sa North Korea na huwag ituloy ang paglunsad ng satellite sa susunod na buwan.

Nagpahayag ng pagkabahala si Yukiya Amano, director general ng International Atomic Energy Agency (IAEA) sa balak ng Pyongyang.

Napag-alaman na nakikipagnegosasyon ngayon ang IAEA sa North Korea upang mainspeksyon ang nuclear sites ng komunistang bansa.

Ayon kasi sa mga analyst, posibleng hindi payagan ng North Korea ang IAEA inspectors na makapasok sa bansa kapag binawi ng Estados Unidos ang food aide na ipinangako dahil sa paglunsad nila ng satellite, kaya ang sisisihin kapag nabigo ang IAEA ay ang Amerika.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply