Notary public suspindedo ng dalawang taon

DALAWANG taong suspensyon ang ipinataw ng Supreme Court sa notary public na si Atty. Leonardo Real dahil sa pag-isyu ng special power of attorney na wala ang partidong involve.

Bukod sa parusa, isang taon ding suspendido sa law practice si Real na epektibo sa lalong madaling panahon.

Sa desisyon ni Associate Justice Jose Perez, inatasan niya si Real na i-report kung kailan niya natanggap ang kopya ng desisyon upang maitala ang detalye ng nabanggit na parusa at kung kailan ito magtatapos.

Ang naturang abogado ay inireklamo ng isang Nesa Isenhardt makaraang inotaryo ang dokumento na nagbibigay pahintulot para isanla ng isang tao ang ari-arian ng kanyang kapatid.

Pinatunayan ng complainant na wala siya sa bansa nang magpanotaryo ng nabanggit na papeles noong Setyembre 14, 2004.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply