‘Noynoying’ may kahulugan na sa Wikipedia

LAZY!

Isa lamang ito sa ibinigay na kahulugan ng Wikipedia sa salitang “Noynoying” ibinansag ng militanteng grupo sa uri ng pamamahala ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa bansa.

Maging sa mga internasyunal na pahayagan ay ginamit na rin ang nasabing salita na ang ibig sabihin ay paraan para ipakita na hindi hands-on si PNoy sa kanyang panunungkulan at mas nakikitang kasama nito ang ilang kilalang personalidad sa halip na unahin ang problema ng kanyang nasasakupan.

Sa Wall Street Journal, nakasaad sa kanilang artikulo na posibleng matagala pa bago malaos ang “Noynoying” lalo na at karamihan sa mga tao ngayon sa Pinas ay tambay lamang.

Samantala, ayaw naman patulan ni PNoy ang bansag sa kanya at sinabing gagawin niya ang tama at hindi na kailangang ipangalandakan pa ang kanyang mga ginagawa para sa mga Pinoy.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply