Noynoying o Pnoynoying

ANG sabi ng iba, ang pinauusong katagang “Noynoying”  ay galing sa kampo ni Ginang Gloria Macapagal Arroyo.

Maaaring totoo dahil ang mga batikos kay PNoy ay dahil sa kainitan ngayon ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Si Corona ay appointed ni Gloria sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan hanggang ang mahistradong ito ay makarating sa Supreme Court bilang chief.

Kapag natanggal si Corona, malaking sabit ang kahaharapin ni Gloria. Samakatuwid, kailangang ipakita na ang Noynoying ay annoying na sa bayan.

Maraming pera si Gloria at ang kanyang angkan, kasama na ang mga bataan niya. Kaya nilang gastusan ang isang Noynoying laban kay PNoy kung gusto nila.

Noong isang araw, si Mar Roxas, ang kandidato ni PNoy for vice president, ay bumwelta. Hindi ipinaglihim ni Mar na siya ay for PNoy at hindi rin itinago na kanya ang panlaban sa noynoying.

PNoying or Noynoying ay magandang description for PNoy kung positive ito at walang halong pulitika.

Bakit hindi? PNoying o maski Noynoying ay ang pagtatanggol sa bayan, panlaban sa mga corrupt, justice man o hindi at panlaban sa mga bayarang linta.

Para naman sa akin, may mga maganda ring kahulugan ang PNoying, lalo na at Holy Week na sa isang linggo.

At dahil walang traffic jams next week, maganda ring gawing PNoynoying or PNoying ang mga traffic sign.

Halimbawa:

No Parking: Bawal pumarada sa siyota ng iba.

No Entry: Thou shall not kabit thy neighbor’s wife.

Slippery When Wet: Lead us not into temptation.

Yield: Huwag lumaban sa mga carnapper.

No Blowing of Horns: Huwag mong ibulgar ang relasyon ninyo ni kumare o kumpare.

No Left Turn: Huwag mangaliwa o huwag magbiglang liko, baka maaksidente kayo. Sa presinto ang tuloy ninyo at yan ay isang malaking kahihiyan.

Dead End: Patay kang bata ka pag nahuli kayo ng mister niya.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply