‘Noynoying’ pinagtawanan ng Malakanyang

PINAGTAWANAN lang ng Malakanyang ang ipinausong “Noynoying” ng mga nag-rally laban sa serye ng oil price hike kahapon (Marso 15).

Ayon sa mga protester, ang Noynoying o pag-upo nang nakatunganga sa kalsada ay paglalarawan nila sa kawalan ng aksyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang bagong pakulo ay kapalit ng “planking” o paghiga nang flat sa kalsada na ginawa nila sa mga nakaraang protesta.

Nagbanta kasi ang kapulisan na huhulin ang mag magpa-planking sa kalsada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply