NPA leader, amasona huli sa panghoholdap, 7 rebelde pa sumuko

ARESTADO ang top commander ng New People’s Army (NPA) sa Bikol kasama ang dating amasona makaraang mangholdap sa Laguna, iniulat ng pulisya.

Kinilala ang mga suspek na sina Daniel Frias, alyas Henry Aguenza at si Alicia Cenon, ng Norzagaray, Bulacan.

Nabatid na galing sa Cabuyao, Laguna ang dalawa nang parahin ang taxi ni Roger Catarata Salvoro, 43, at pilit nagpapahatid sa Naga sa Bicol.

Nang umayaw ang driver ay tinutukan siya ng kutsilyo ng mga suspek saka kinuha ang kanyang kinita sa pamamasada.

Maswerte namang may dumating na traffic enforcer kaya nakapagsumbong ang biktima, ikinahuli ng dalawa.

Samantala, pitong miyembro naman ng NPA ang sumuko sa mga  sundalo sa General Santos.

Ang mga sumuko ay sina  Eddie Colano  alyas Sadam, Democ Tosa alyas Daog Daog, Simeon Salda, alyas Simeon, Salipada Colano Alyas Dong, Lorena Colano alyas Mayo, Alila Colano alyas Bicay at  si Ian Ingayan alyas Yan, pawang miyembro ng unit militia ng NPA sa Sarangani at Davao del Sur.

Handa namang bigyan ng tulong pinansiyal ng pamahalaan ang sumukong mga rebelde para  sa kanilang pagsisimula ng bagong buhay.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply