NPA, militar nagkasagupa sa Cotabato

NAGSILIKAS ang ilang sibilyan sa kanilang tahanan dahil sa takot makaraang muling magkaengkuwentro ang militar at New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Cotabato.

Nabatid kay 6th Infantry Division public affairs chief Col. Prudencio Asto, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Bravo Company ng 68th Infantry Battalion Philippine Army sa Sitio Alimudian, Barangay Banayal, Tulunan, North Cotabato, nang makasagupa nito ang tinatayang 20 mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga NPA.

Tumagal ng kalahating oras ang palitan ng putok ng magkabilang panig gamit ang matataas na uri ng armas kung saan umatras ang mga rebelde nang dumating ang karagdagang pwersa ng mga kawal ng pamahalaan.

Wala namang nasugatan sa tropa ng militar habang hindi pa matiyak sa panig ng mga rebelde.

Naglunsad na ng pursuit operation ang militar laban sa naturang grupo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply