Nursing review centers sisiyasatin ng Kamara

BUBUSISIIN na ng Kamara ang mga reklamo kaugnay sa lomolobong kaso ng pananamantala at iregularidad sa mga nursing review centers sa bansa.

Ito ay matapos ihain ni Nueva Vizcaya Rep. Carlos Padilla ang isang resolusyon na nagsusulong na magkaroon ng congressional inquiry upang magtakda ng ahensya na magre-regulate dito.

Nais ni Padilla na agarang matukoy kung anong ahensya ang dapat na mangalaga at magbantay sa lahat ng review centers sa buong Pilipinas.

Tinukoy pa ni Padilla ang Executive Order 566 na magbibigay ng direktiba sa Commission on Higher Education para matingnang mabuti ang operasyon ng nursing review centers sa bansa.

Marami na aniya silang natanggap na kaso ng mga estudyante na nakapasok sa mga pekeng review centers at nakuhanan ng malaking pera.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply