NWPB: Taas-sahod pag-iisipan ng gov’t

KAILANGAN pa ng National Wages and Productivity Board (NWPB) ng mabigat na dahilan para magpatupad ng bagong umento sa sahod.

Ayon kay NWPB executive director Ciriaco Lagunzad, pinahihintulutan lamang ng batas ang panibagong wage increase kapag may “supervening event” o mabigat na dahilan.

Pero dahil sa serye ng oil price increases nitong mga nakaraang linggo, bukas na ang NWPB na pag-aralan kung maaari itong gawing rason.

Tiniyak naman ni Lagunsad na titimbangin din ng gobyerno ang kakayahan ng employers na magbigay ng dagdag-pasahod bago sila gumawa ng kautusan.

Nitong mga nakaraang buwan, una nang nagpahayag ng pagtutol ang Employers Confederation of the Philippines sa panawagan na dagdag pasahod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply