Obispo dismayado kay PNoy sa patuloy na media killings

LABIS na ikinadismaya ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes ang kawalan ng kakayahan ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na tugunan ang mga nagaganap na krimen, partikular na ang media killings sa bansa.

Ang pahayag ni Bastes ay kasunod ng panibagong insidente ng karahasan sa media matapos barilin at tangkaing patayin ang Malacañang reporter ng The Daily Tribune na si Fernan Angeles.

Si Angeles ay matatandaang pinagbabaril malapit sa kanyang tahanan sa Barangay Pinagbuhatan sa Pasig City at hanggang ngayon ay nasa kritikal pa ring kondisyon sa Pasig City General Hospital.

Ayon kay Bastes, nakakalungkot ang ganitong pangyayari dahil hindi na mabilang ang insidente ng karahasan, pagpaslang at pananakot sa mga mamamahayag.

Mistula naman aniyang walang kakayahan ang pamahalaan para tugunan ang media killings sa bansa.

“I am very sorry about that he (PNoy) has been powerless about it. Nakakalungkot pero the government is really powerless about it, at wala talaga silang kakayahan na tugunan ang mga krimen na nagaganap sa bansa,” ayon kay Bastes, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Kaugnay nito, hinimok ni Bastes ang mga mamamahayag na huwag matakot at patuloy na gampanan ang kanilang tungkulin na ipaalam sa taumbayan ang mga nagaganap sa ating bansa lalo na sa usapin ng graft and corruption, illegal gambling, ipinagbabawal na droga, pag-iingat sa kalikaasn at iba pang isyu na makakasira sa ating lipunan.

Umaasa din ang obispo na gagawa ng hakbang ang mga kinauukulan para bigyan proteksyon ang mamamayan laban sa mga taong may masamang hangarin at wakasan na ang culture of impunity sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply