Obispo kay PNoy: Maglaan ng panahon sa Panginoon

PINAYUHAN ng isang Catholic bishop si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na maglaan ng panahon para sa Panginoon ngayong Semana Santa.

Ito’y kasunod na rin ng pahayag ng Malakanyang na hindi makakadalo sa Lenten retreat ang Pangulo dahil dadalo siya sa nakatakdang ASEAN summit sa Cambodia sa Abril 3 at 4.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, miyembro ng Permanent Council ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ngayong panahon ng Kuwaresma ay dapat pagnilayan ng Pangulo ang kanyang sarili at hingiin ang kaliwanagan sa Panginoon hinggil sa pagpapatakbo ng bansa.

Sinabi ng obispo na maraming problema ang bansa na hindi lamang talino o kakayahan ang dapat pairalin kundi maging ang “divine intervention” upang higit na mapamahalaan ang bansa lalo na ang mga mahihirap.

Payo pa ng Obispo, kung talagang busy si Pangulong Aquino ngayong Holy Week ay maaari pa rin naman itong magkaroon ng oras para sa Panginoon sa Easter Sunday o ang araw ng Pagkabuhay ni Hesus.

“If he can’t do it during Holy Week, he can do it after Easter! Because Easter also is a good time for rejoicing because Our Lord has raised! It is also a symbol that our people will be raised from the dead thru our leaders who will understand the meaning of the resurrection,” aniya pa.

Maging ang mga Gabinete ni PNoy ay pinayuhan ng Obispo na mag-retreat para pagnilayan ang mga mabubuting gagawin para sa bayan hindi lamang sa sarili.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply