Obispo kay PNoy: Matatalino lang ang pinapatay

HINDI naniniwala ang isang Obispo na may death threat ang Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, malayo sa katotohanan ang pahayag ng pangulo dahil ang mga pinapaslang lamang aniya ay mga lider na matatalino at magagaling.

“Kung mayroon mang galit sa kanya, siguro di naman darating sa ganun na siya’y papatayin? I think that its too much to ask! Dahil hindi naman talaga siya kaaway! kundi ang kaaway ay masasabi nating kawalan niya ng kakayahan. Bakit siya papatayin kung wala nga siyang kakayahan? Ang pinapatay ay yun talagang magagaling! Matitindi! at talagang mahuhusay! Yun, talagang pinapatay yun!”- bahagi ng pahayag ni Abp. Cruz sa panayam sa kanya.

Gayunman, sinabi ni Abp. Cruz na pagbigyan na lamang ng taong bayan ang kahilingan ng Pangulo na pagkalooban siya ng bago at modernong presidential car upang mabigyan siya ng proteksyon sa araw-araw na mga lakad.

Una nang isinulong ng mga kaalyado ni PNoy sa Kamara ang house resolution no. 2191 na naglalayong bilhan ng bullet proof at bomb proof na sasakyan ang Pangulo para palitan ang mga lumang sasakyan ng Presidential Security Group o (PSG)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply