Obispo sa mga rebelde: Igalang ang Kuwaresma

NANAWAGAN ang isang mataas na lider ng Simbahang Katolika sa mga rebelde sa bansa na igalang ang Semana Santa.

Sinabi ni Apostolic Vicariate of Jolo Bishop Angelito Lampon, na ang Semana Santa ay gaya rin ng panahon ng Ramadan ng mga kapatid nating Muslim kung saan nagninilay ang tao sa kanyang mga kasalanan at nagbabalik-loob sa Panginoon.

Umaasa naman ang obispo na makikiisa sa pagdiriwang ng Kuwaresma ang mga rebelde sa pamamagitan ng hindi paglunsad ng anumang karahasan o kaguluhan.

“Ang Kuwaresma po ay panahon ng pangingilin naming mga Katoliko, mga Kristiyano, gaya po ito ng month of Ramadan, safe season ito at panahon po ito ng pagninilay at pagbabalik loob sa Diyos. Sana po makiisa kayo sa aming banal na pagdiriwang sa pamamagitan ng panalangin na maging okasyon ito ng pagbabago naming mga Kristiyano,” apela ni Lampon, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply