Obispo sa mga rebelde: Igalang ang Kuwaresma

UMAPELA ang isang mataas na lider ng Simbahang Katolika sa mga rebeldeng grupo na iwasan na ang paghahasik ng karahasan, partikular ngayong Mahal na Araw.

Ayon kay Basilan Bishop Martin Jumoad, dapat igalang ng mga rebelde ang banal na pagdiriwang o paggunita ng mga mananampalatayang Katoliko sa panahon ng Kuwaresma at itigil na ang karahasan kung saan mga ordinaryong mamamayan ang naaapektuhan.

Nauna rito, apat katao ang namatay, habang anim iba pa ang nasugatan sa pambobomba ng hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa isang commercial area sa Jolo, Sulu kamakailan.

Sinabi ni Jumoad na mariing kinukondena ng Simbahang Katolika ang naturang pangyayari at nanawagan sa mga rebelde na pahalagahan ang kasagraduhan ng buhay.

Umapela rin si Jumoad sa mga awtoridad na gawin ang kanilang tungkulin upang matiyak ang kaligtasan ng mga tao laban sa mga naghahasik ng karahasan sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply