Obispo suportado ang pagreretiro ni Pacman sa boksing

SINUSUPORTAHAN ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes ang planong pagreretiro sa boksing ni Eight Division World Champion at ngayop’y Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Ayon kay Bastes, magandang indikasyon ito upang mabigyan ng panahon at pansin ni Pacquiao ang iba pa nitong responsibilidad sa pamilya na nasasakupan nito bilang isang halal na opisyal.

Binigyang diin ni Bastes na marahil ito na ang sagot sa mga dasal ng ina ni Pacquiao na si Aling Dionisia na matagal nang nais pahintuin sa boksing ang Pambansang Kamao.

Una rito, muling nagpahayag si Pacquiao na siya ay nanaginip na mayroon pahiwatig sa kanya na dapat niya nang tigilan ang pagboboksing.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply