Obispo umapela kay PNoy sa patuloy na oli price hike

MAGING sensitibo ka sa mahihirap.

Ito ang panawagan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III kasunod na rin nang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.

Ayon kay Pabillo, sa halip na panigan ang interes ng mga kompanya ng langis ay dapat na maging sensitibo ang Pangulo sa mga mahihirap na siyang nagiging biktima ng walang tigil na oil price hike na nagsimula nito pang Enero.

“It is immoral and unjust that ordinary citizens are made to suffer the consequences of excessive price demands of downstream oil industry operators,” aniya pa.

Paliwanag pa ng CBCP official, bagamat ang pagsirit ng presyo ng krudo sa international market ay walang dudang isang mahalagang bahagi nang pagtukoy sa local price hike, may mga reyalidad din naman na nakapagpapalala sa sitwasyon tulad na lang ng kawalan ng kakayahan ng pamahalaan na i-monitor ang presyo ng langis at i-regulate ang dagdag-presyo na ipinatutupad ng mga oil company.

Umapela si Pabillo sa pamahalaan na magtatag ng epektibong monitoring system sa paggalaw ng presyo ng petroloyo at kaagad na pagsasagawa ng mga panuntunan para maging accessible at affordable sa publiko ang mga petroleum product.

Naniniwala si Pabillo na makakatulong ang pag-aalis sa expanded value added tax sa langis gayundin ang pagrebisa sa Oil Deregulation Law.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply