Obrero nakipagpatintero kay kamatayan, todas

PATAY ang isang construction worker matapos makipagpatintero sa humahagibis na sasakyan at suwagin ang isang taxi habang tumatawid sa kahabaan ng North Avenue, Quezon City kaninang madaling-araw.

Wala nang buhay nang damputin sa kongkretong kalsada ang biktimang si Emiliano Badjao, 40, ng Banlat, Brgy. Tandang Sora, QC dahil sa pagkabasag ng bungo at pagkalasog ng katawan.

Kusang loob namang sumuko ang driver ng taxi na si Aries des Callan, 47, ng Block 41, Lot 23, South City Homes, Laguna.

Ayon kay P03 Oscar Sese ng Quezon Police District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 6, naganap ang insidente 1:30 ng madaling-araw kanina sa kahabaan ng North Avenue.

Nabatid sa ulat na pasuray-suray na tumatawid ang biktima na tila nakikipagpatintero sa lugar ng aksidente hanggang mahagip ng humahagibis na Diamond taxi (UVS-383 ) na minamaneho ni Callan.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumama ang biktima sa hood at windshield ng taxi na ikinabasag ng kanyang bungo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply