OFW na nag-suicide sa HK tinortyur, ginahasa?

MAY posibilidad na tinortyur at ginahasa ang overseas Filipino worker na unang napaulat na tumalon sa ika-12 palapag ng pinagtatrabahuhang bahay sa Hong Kong kamakailan.

Ito ang paniniwala ni Dr. Noel Martinez, Medico Legal Officer ng PNP Crime Laboratory 6, na sumuri sa bangkay ng Pinay worker na si Cherry Mae Genova.

Lumalabas sa awtopsiya, na tinortyur at maaaring ginahasa pa si Cherry Mae base sa nakitang laceration sa ari nito.

Bukod pa rito, hindi rin tugma sa suicide ang lokasyon at klase ng injury na tinamo ng biktima. Nakita ang pasa sa kanyang likod, ulo at malapit sa balikat.

Imposible umano na mauuna ang likod ng biktima sa kanyang pagtalon.

Nakakita rin ng pasa sa baywang ng biktima na posibleng indikasyon na hinampas ng matigas na bagay.

Bali rin ang kamay, balikat at paa ni Cherry Mae na pinaniniwalaang tinamo bago pa man ito ‘nagpakamatay.’

Sinabi pa ni Dr. Martinez, na kung sa ika-12 palapag tumalon si Genova ay maaaring hindi lamang iyon ang tinamo ng katawan nito.

Ani Martinez, maaaring hindi tumalon si Genova kundi sinadyang ihulog nang buhay o kaya ay hinagis habang walang malay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply