OFW remittances tumaas ng 5% nitong Enero

IPINAGMALAKI ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas na sumirit ng 5.4% ang remittances ng mga overseas Filipino workers (OFW) para sa buwan ng Enero ngayong taon.

Ayon kay BSP Governor Amando Tetangco, Jr., pumapalo sa $1.557 billion ang kabuuang remittances ng mga OFW nitong Enero.

Ang naturang halaga ay higit na mataas ng $81 million sa $1.476 billion na naitala noong Enero 2011.

Sinabi ni Tetangco na malaking tulong sa mataas na remittances ang malakas na demand para sa professional at skilled Filipino workers na nasa ibayong dagat ngayon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply