OFW sa Kuwait na positibo sa HIV pinatatapon na sa Pinas

KAILANGAN nang makauwi ng Pilipinas sa Marso 20 ng isang overseas Filipino worker nang magpositibo ito sa HIV sa Kuwait.

Nakasaad sa batas sa Kuwait na kailangang makauwi ng kanilang bansa ang sino mang manggagawa sa loob ng 15 araw kapag nagpositibo sa nasabing sakit dahil kung hindi ay makukulong sila.

Ngunit dahil sa problema sa pinansiyal ay mukhang hindi pa makakauwi ang biktima na itinago sa pangalang “Ireneo.”

Nabatid na tatlong taon nang nagtatrabaho si Ireneo sa Kuwait bilang tagapagluto sa isang kompanya roon.

Ikinabahala naman ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ang dumaraming bilang ng mga Pinoy sa Kuwait na nagkaka-HIV. Remate Online

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply