OFWs sa Homs, Syria ginagalugad ng RRT

DAHIL sa patuloy na kaguluhan at kinakaharap na panganib sa buhay, ginagalugad  na ng Philippine Rapid Response Team (RRT) ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nagtatago sa kabundukan ng Homs, Syria.

Napa-ulat na patuloy na lumilikas ang mga OFW para makaiwas sa lumalalang gulo sa naturang bansa.

Inaasikaso na rin ng response team ang pagpapauwi sa labi ng namatay na OFW na si Meran Montezor sa Homs.

Sinabi ni Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez na kung maaari lamang ay tawagan ang kanilang ahensya para mas mapadali ang pagpapauwi sa mga ito.

Samantala, napag-alaman pa sa DFA na hirap silang kumbinsihing pauwiin ang mga OFW at hirap na rin sila sa paghahanap sa mga Pinay na nagtatrabaho bilang domestic helper doon.

Pahirapan ang pagbibigay ng kanilang mga employer sa kanilang exit visa dahil ayaw ng mga ito na mawalan ng kasambahay para makatuwang sa mga gawaing bahay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply