Oil price hike ipinatupad na naman

MULI na namang nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Nangunang nagtaas ang Shell kaninang hatinggabi ng P0.60 kada litro ng gasolina, P0.20 sa diesel at P0.30 naman sa kerosene.

Sumunod namang nagtaas ngayong umaga ang Total, SeaOil, Phoenix Petroleum, Petron at Chevron.

Nagpatupad ng oil price increase ang Total at Sea-Oil ng P0.60 sa unleaded gasoline, P0.85 sa regular gasoline at P0.20 sa diesel habang tumaas din ng P0.25 ang kerosene ng SeaOil.

Samantala, nagtaas din ng P0.25 kada litro ng diesel at P0.60 sa regular gasoline ang Phoenix, Petron, at Chevron.

Nakatakda rin magtaas ang Petron ng P3 kada kilo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG). Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply