Oil price hike muling ipinatupad

MULING nagpatupad ng oil price hike ang ilang kumpanya ng langis ngayon.

Sa ika-siyam na pagkakataon, nagtaas ang Pilipinas Shell ng 70 sentimos kada litro ng premium at unleaded gasoline at 60 sentimos naman ang itinaas sa kada litro ng regular gasoline, diesel at kerosene, epektibo kaninang 12:01 ng hatinggabi.

Sunod na nagtaas ng parehong presyo ang Total Gas, Chevron Philippines at Petron kaninang alas-6:01 ng umaga.

Matatanda na kahapon (Marso 19), sinugod ng Pasang Masda ang tanggapan ng Pilipinas Shell sa Makati City at nagbabala ng malawakang tigil pasada kapag hindi pinagbigyan ng gobyerno ang hirit na 50 sentimos na dagdag-pasahe sa pampasaherong dyipni.

Gayunman, nauna nang nagrolbak ang kompanyang REGASCO isang small player ng LPG Marketers Association (LPGMA), P1 kada kilo o P11 kada 11 kilo ng tangke ng liquiefied petroleum gas (LPG) ang ibinaba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply