Oil price hike muling nakaamba

MULING nakaambang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

May P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang posibleng itaas sa presyo ng gasolina, habang naglalaro naman sa P0.20 hanggang P0.25 sa diesel.

Dahil dito, pagsasagawa ng kaliwa’t kanang kilos-protesta naman ang sagot ng mga militanteng grupo sa nakaambang panibagong oil price hike.

Habang nakatakdang humirit ang transport group na Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ng karagdagang P0.50 sa pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply