Oil price hike nakaamba na naman

NAKAAMBA na naman sa ika-anim na pagkakaton ang pagsirit ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Napipintong tumaas sa 25 sentimos ang kada litro ng diesel at gasolina na inaasahang ipatutupad ng mga dabuhalang kompanya ng langis.

Pinakahuling nagpatupad ng price hike ang mga kompanya ng langis noong Huwebes, Marso 8.

Sa ngayon, malapit nang umabot sa P60 ang kada litro ng unleaded at premium gasoline matapos ang linggo-linggong umento sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Samantala  isasagawa ang signature drive ng grupong Anakpawis sa mga malls, palengke at iba pang matataong lugar para himukin ang gobyerno na ibasura ang kontrobersiyal na Oil Deregulation Law.

Layunin ng grupo na iparating sa House committee on energy na makakalap na lagda para mahimok ang mga mambabatas sa kanilang apela.

Nitong nakaraang linggo, nagsimula na ring magsagawa ng mga noise barrage ang ilang militanteng grupo na tutol sa oil price hike.

Nabatid na ngayong taon, siyam na beses na nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis na isang malaking pasanin sa mga motorista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply